^

Police Metro

Mga lalabag sa EDSA traffic titikitan na ng HPG

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Wala nang makakapi­gil sa hanay ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police na magpataw ng parusa sa sinumang mahuhuling lalabag sa batas trapiko sa kahabaan ng Edsa.

Ayon kay P/Senior Supt. Oliver Tanseco, ta­gapagsalita ng HPG,  sisimulan na ngayon ang paniniket sa mga moto­ristang lalabag sa batas-trapiko bilang paghihigpit sa programang ipinapatupad para maisaayos ang daloy ng sasakyan sa Edsa.

“Zero tolerance” sa kalsada, at bawal na ang mga bus na na-iistasyon, nagte-terminal, nagbababa sa mga hindi tamang babaan o loading and unloading area, hindi lamang sa mga pampasaherong bus at taksi kundi maging sa lahat ng sasakyan na bibiyahe sa Edsa” pahayag ni Tanseco.

Dapat na sundin ang 30-segundong polisia sa mga bus na nagbaba at nagsasakay dahil kapag sumobra ito ay maa­ring ituring na siyang lu­malabag o nagte-terminal sa lugar.

Hindi na rin maaa­ring magparada ng basta-basta ang mga sasakyan sa gilid ng kalye o bangketa maging sa ilalim ng mga flyover upang hindi makasagabal sa daloy ng mga sasakyan.

“Ang programa ng pamahalaan ay long term solution sa Edsa na dapat tugunan kasama na ang paglalagay ng alternate route  para hindi lamang isa ang pinupuntahan ng mga motorista kundi may alternatibong daan,” dagdag pa ni Tanseco

Gayon pa man, isa lamang umano ang tamang paraan na maaaring makatulong sa ganitong problema kundi ang pagkakaroon ng disiplina ng bawa’t moto­rista.

ACIRC

ANG

AYON

EDSA

HIGHWAY PATROL GROUP

MGA

OLIVER TANSECO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SENIOR SUPT

SHY

TANSECO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with