Pekeng P500 na may mukha ni Mar, kumalat

MANILA, Philippines - Nabigla ang ilang miyembro ng media sa Kamara nang madatnan nila sa kanilang mga lamesa ang sobre na may lamang tatlong pekeng tig 500 pesos at may mukha ni dating DILG Secretary Mar Roxas.

Nakalagay sa likod ng pekeng pera ang salitang “SALAPI PA MORE!!! ibulsa ang pera, Iboto ang kurso­nada”.

Ayon sa mga staff ng Public Relations Information Bureu na ang mga natanggap na sob­re ay iniabot lamang mula sa post office ng Kamara at wala silang ideya kung sino ang nagpakalat.

Pinalagan ito ng kampo ni Roxas dahil sa umano’y cheap propaganda laban sa kanilang manok sa 2016.

Umalma din si Roxas sa pakana ng kanyang mga kalaban at naniniwala ito na bahagi lamang ng paninira sa kanya.

Subalit, binaliwala lamang ito ni Roxas dahil hindi naman ito nakakaepekto sa kanyang kandidatura.

Show comments