MANILA, Philippines – Upang makatulong na maibsan ang matinding problema sa daloy ng trapiko sa Metro Manila ay iginiit ni Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) board member Atty. Ariel Inton ang pag-phaseout ng mga private vehicles.
“Sa mga for–hire-vehicles ay may phase out, pero itong mga sasakyan na ito na kaya na phase out ay hindi na road worthy pero after phase out, hayun ginagawa ng private vehicles kaya walang nagaganap na phase out ng mga for hire vehicles talaga sa ating bansa, so paano tayo makakatulong na mabawasan ang gumagamit ng mga kalsada sa Metro Manila,bawasan natin ang mga sasakyan, alisin na ang mga luma na at old age private cars”pahayag ni Inton.
Ikinatuwa rin ni Inton na ang kanyang panukala na mai-prayoridad ang mga public utility vehicles sa EDSA ang siyang plano ngayong maipatupad ng Malakanyang.