P100k dala nasunog... Mag-asawa inambus, grinanada

MANILA, Philippines – Sinigurado ng motorcycle riding-in-tandem na hindi na nila bubuhayin pa ang isang mag-asawa na sakay ng isang SUV na matapos pagbabarilin ay hinagisan pa ng granada ang kanilang sasakyan na naganap kahapon ng umaga sa kahabaan ng Brgy. Bayog, Los Baños, Laguna.

Bukod sa tama ng mga bala sa iba’t ibang parte ng katawan ay nasunog din ang katawan ng mag-asawang biktima na kinilalang sina Merlito, at Liezel Morales, 36 pawang residente ng 1736 Purok 4, Brgy. Concepcion, San Pablo City, Laguna.

Sa ulat na nakarating kay  Sr. Supt. Florendo Saligao, Director ng Laguna Provincial Police Office (PPO), dakong alas-6:15 ng umaga ay nasa loob ng itim na To­yota Avanza (ULQ-484) na nakaparada sa madi­lim na bahagi ng Brgy. Bayog nang sumulpot ang tatlong lalaki na sakay ng isang motorsiklo at pagbabarilin ang mag-asawa.

Nang masiguradong patay na ang mag-asawa ay hinagisan pa ito ng granada kaya’t nasunog ang sasakyan bunsod upang magtamo rin ng sunog ang katawan ng mag-asawa.

Ayon kay Sr. Supt. Florendo Saligao, na ang dahilan ng pagpatay sa mag-asawa ay pose­b­leng may kaugnayan sa  droga.

Ang dahilan kaya sila nakaparada sa lugar ay mayroon umano silang hinihintay na kliyente at hinala na miyembro ng sindikato ng droga ang nagpapatay sa mag-asawa.

Lumalabas din na ang plaka ng sasakyan ay hindi ka-match ng kanilang sasakyan na Avanza at ang mag-asawa ay may dalang P100,000 cash money na nasunog matapos sumabog ang granada na inihagis ng mga suspek.

Show comments