Almendras bagong traffic czar

MANILA, Philippines - Makaraang atasan ng Pangulong Noynoy Aquino ang PNP-Highway Pat­rol Group na mamahala ng trapiko sa kahabaan ng EDSA ay itinalaga naman kahapon bilang bagong traffic czar si Secretary to the Cabinet Jose Rene Almendras.

Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., na si Almendras din noon ang inatasan ng Pangulo na maghanap ng solus­yon sa port congestion na agad naman nitong nalutas kaya binigyan ito ng karagdagang trabaho bilang traffic czar.

Nakiusap din ang Palasyo sa publiko na makipagtulungan upang agarang malutas ang traffic problem sa Metro Manila.

Iginiit naman ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa pagkakatalaga kay Almendras ay dapat nang magbitiw sa puwesto si MMDA Chairman Francis Tolentino dahil nangangahulugan na hindi siya epektibo o hindi nito ginagawa ang trabaho para ayusin ang problema sa trapiko.

Show comments