52 na ang naging batas... Trillanes nakapaghain ng 1,077 panukalang batas

MANILA, Philippines - Maituturing na si Senador Antonio Trillanes IV ang nangungunang senador base sa dami ng mga panukalang ini-sponsor at naisabatas noong nakaraan at kasalukuyang Kongreso.

Noong 15th Congress (2010-2013) siya ay nakapagbigay-daan sa pagpapasa ng 17 batas; habang ngayong 16th Congress (2013-kasalukuyan), siya ang pangunahing may-akda ng 4 na batas, dagdag pa rito ang 10 panukalang naipasa na sa ikatlong pagbasa.

Ilan sa mahahalagang batas na akda ni Trillanes ay ang AFP Modernization Law; Pagtaas ng Subsistence Allowance ng mga Uniformed Personnel; Salary Standardization Law 3; Pagtaas ng Burial Assistance ng mga Veterans; Archipelagic Baselines Law; Universal Healthcare Law; Agarang pagbibigay ng benepisyo ng mga retiradong kawani ng gobyerno; PAG-IBIG Fund Law; Magna Carta para sa mga PWD; mas pinalawak na Senior Citizens Act; at Anti-Bullying Act.

Aktibo rin si Trillanes sa mga imbestigasyon na may kinalaman sa mga korapsyon at iba pang ano­malya sa gobyerno at simula ng kanyang panunungkulan ay may kabuuang 1,077 na panukalang batas ang naihain at 52 rito ay naging batas na.

Show comments