MANILA, Philippines - Pinanindigan kahapon ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang tungkol sa kanyang pahayag na pagpabor sa pagrarali ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nakaistorbo sa maraming commutters na kung saan ay kaliwa’t kanang batikos ang inabot nito sa social media.
Ayon kay Escudero, ipinagtanggol lamang niya ang mga karapatan na nakasaad naman sa Saligang Batas patungkol sa freedom of expression, freedom of speech and to peaceably assemble and petition government for redress of grievances. Bahagi rin aniya ng karapatan ng mga mamamayan ang pagpapahayag ng kanilang saloobin.