Masahista dinedo sa bahay

MANILA, Philippines - Tinadtad ng bala at namatay noon din ang isang 54-anyos na massage therapist nang pasukin ang bahay nito at pagbabarilin kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila.

Namatay habang ginagamot ang biktima na si Jorito Verzosa, residente ng no.  098 B-1 Aplaya, Baseco Compound, Port Area.

Sa salaysay ng live-in partner  ng biktima na si Rizal Deloso, 32, dakong alas-6:00 ng gabi  habang nagpapakain siya ng kanilang aso ay nakarinig siya ng magkakasunod na putok sa loob ng bahay.

Agad niyang tinungo at pinanggalingan ng putok  at nakita na duguang gumagapang ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon upang malaman ang motibo at sino ang suspek.

 

Show comments