Seaman nagbaril sa harap ng misis

MANILA, Philippines - Wasak ang dibdib ng isang 45-anyos na seaman matapos magbaril sa sarili sa loob ng kanilang bahay habang kaharap ang misis nito kamakalawa ng gabi sa Brgy. Buhay na Tubig, Imus, Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Ricardo Vista, residente ng Blk 6, Lot 25, Ph 2 ng nasabing lugar.

Sa salaysay ng misis ng biktima na si Rowena, dakong alas-8:00 ng gabi ay nagulat siya nang bigla umanong itinutok ng mister sa kanyang dibdib ang kalibre 357 baril at bigla itong kinalabit.

Ayon sa misis ng biktima na wala siyang maisip na kadahilanan para gawin ng mister ang pagpapakamatay.

 

Show comments