^

Police Metro

Rali ng Iglesia tapos na

Mer Layson, Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tapos na kahapon ang mga kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa buong bansa matapos na lisanin ng mga miyembro ng INC ang EDSA, Shaw Boulevard, Mandaluyong City kaya’t balik na sa normal ang daloy ng trapiko.

Nagsimulang magtipon ang mga miyembro ng INC sa harap ng tanggapan ng DOJ para iparating sa pamahalaan ang pagtutol ng mga ito sa umano’y pakikialam ng pamahalaan sa kanila.

Iginiit ng mga mi­yembro ng INC na may special treatment si Justice Secretary Leila De Lima sa reklamong illegal detention na isinampa ng isang da­ting ministro laban sa mga miyembro ng Sanggunian ng grupo.

Ayon kay INC General Evangelist Ka Bienvenido Santiago, nagkausap na ang panig ng INC at ng pamahalaan at nagkapaliwanagan na ang mga ito
kaya’t nagpasya silang tapusin na ang demonstrasyon.

Agad namang nilinis ang mga tauhan ng Mandalu­yong City at Metro Manila Development Authority ang mga naiwang kalat ng mga nagsipag-rally.

ACIRC

ANG

AYON

GENERAL EVANGELIST KA BIENVENIDO SANTIAGO

IGINIIT

IGLESIA NI CRISTO

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

MANDALUYONG CITY

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MGA

SHAW BOULEVARD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with