^

Police Metro

Kasong hawak ng CA Justice, iaakyat sa SC

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kung  hindi umano mag-i-inhibit si Court of Appeals Associate Justice Noel Tijam sa hawak nitong kaso na kinasasangkutan ng R-II Builders ay iaakyat nila ang usapin sa Supreme Court.

Ito ang naging banta ni Cyrus Paul Valenzuela, president of One Source Port Services, na ang  SC ang kanilang  huling baraha upang  makakuha ng patas na  desisyon sa kaso.

Una nang naghain ng urgent motion  ang OSPS sa  Fifteenth Division ng Court of Appeals noong August 13 na hinihiling nito na mag-inhibit si Tijam sa kaso na nakabinbin sa kanya bunsod na rin ng  pagiging malapit nito  sa may-ari ng RII Builders.

Maging ang Kapisanan Kontra Korap (KKK)  ay nagsumite ng open letter kay Pangulong Aquino hinggil sa kaso ng  Home Guaranty Corporation (HGC) sa umano’y pagi­ging bias ng CA Fifteenth Division pabor sa R-II Builders.

Hindi na bago sa  kontrobersiya si Tijam nang maging nominado  ng  Judicial and Bar Council   bilang kapalit  ni SC Justice Renato Corona.

Naglaho ito nang masangkot ito sa kaso ng RII  hinggil sa Smokey Mountain Development and Reclamation Pro­ject (SMRDP).

 

ACIRC

COURT OF APPEALS

COURT OF APPEALS ASSOCIATE JUSTICE NOEL TIJAM

CYRUS PAUL VALENZUELA

FIFTEENTH DIVISION

HOME GUARANTY CORPORATION

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICE RENATO CORONA

KAPISANAN KONTRA KORAP

NBSP

ONE SOURCE PORT SERVICES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with