Enrile hindi excited sa pagbabalik trabaho

MANILA, Philippines - “I have no feelings. I am not excited. I am just going to work,”.

Ito ang inihayag ni Senador Juan Ponce Enrile sa kanyang pagpasok kahapon sa Senado dahil anya nasayang  para sa bayan ang isang taon na inilagi niya sa loob ng Camp Crame dahil sinusuwelduhan siya pero hindi naman nagta-trabaho.

Hindi rin umano nito na-miss ang trabaho sa Senado, dahil abala siya sa pag-aaral habang nasa ospital.

“Eh busy ako eh. Nag-aaral. Lahat ng bagay sa mundo. Kulang ang kaalaman ko eh kaya nag-aaral ako,” ani Enrile.

Titingnan pa rin umano ni Enrile kung masasama siya sa debate sa usapin ng Bangsamoro Basic Law (BBL) at hindi na rin ito nagbigay ng komento sa pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na “banana republic” ang Pilipinas matapos payagan na ito ay makapaglagak ng piyansa.

 

Show comments