5 minasaker sa Cavite

Ang mga nasawi ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang drivers license na si Vince Garcia, 3 5-an­yos, tubong Butuan City at may-ari ng nasabing cock farm na ang totoong pangalan ay si Ronald Pepino; Jose Fontillo ng Butuan City at Gereon Dalhog ng Maco, Davao del Sur  na natukoy sa pamamagitan ng kaniyang passport habang inaalam pa ang dalawa pang nasawi na ang isa ay babae na ang mga bangkay ay natagpuan sa garahe ng bahay. CRISTINA TIMBANG

MANILA, Philippines - Isang may-ari ng fighting cock farm at apat nitong tauhan kabilang ang isang babae ang natagpuang patay kahapon ng umaga habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan kabilang ang isang babae nang sila ay pagbabarilin sa tinutuluyan nitong bahay sa Purok 7, Brgy. Halang, Amadeo, Cavite kamakalawa.

Ang mga nasawi ay nakilala sa pamamagitan ng nakuhang drivers license na si Vince Garcia, 3 5-an­yos, tubong Butuan City at may-ari ng nasabing cock farm na ang totoong pangalan ay si Ronald Pepino; Jose Fontillo ng Butuan City at Gereon Dalhog ng Maco, Davao del Sur  na natukoy sa pamamagitan ng kaniyang passport habang inaalam pa ang dalawa pang nasawi na ang isa ay babae na ang mga bangkay ay natagpuan sa garahe ng bahay.

Nasa malubhang kalagayan ang dalawa nitong trabahador na ang isa ay babae na binabantayan ng mga otoridad sa kinalalag­yan nitong ospital dahil sila lamang ang makapaglalahad ng pangyayari at makaka­kilala sa mga suspek na namaril sa kanila.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga nang matagpuan ang mga biktima na pawang may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na si Ama­deo Vice Mayor Elpidio Bawalan ang nagbigay ng impormasyon sa mga otoridad tungkol sa insidente na nangyari sa nasabing barangay na malayo sa kabihasnan na ilang kilometro ang layo sa poblacion.

Sa pahayag ng ilang residente sa lugar na sila ay nakarinig ng mga pu­tok ng baril kamakalawa ng gabi bago natagpuang patay ang mga biktima kahapon.

Narekober ng mga otoridad ang mga basyo ng bala sa lugar na pinangyarihan ng krimen.

Lumalabas sa im­bestigasyon na nag-iinuman ang mga biktima nang ito ay pagbabarilin dahil sa mga nakakalat na bote ng mga alak.

 

Show comments