^

Police Metro

2 rapist ng tindera, arestado

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang senglot makaraang maaktuhang pinipilit na makatalik ang isang tindera na nakahiga sa garahe sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Rehas na ang hinihimas ng mga suspek na sina Hernan Natago, 28, construction worker, ng Phase 5,  Block 2,  Lot 9,  Bagong  Silang,  Caloocan City; at Elpidio Vinarao, 39, driver, ng Area 5 Gate 16,  Parola Compound, Tondo, Maynila.

Pormal na inireklamo sa himpilan ng pulisya ang 22-anyos na  biktimang itinago sa pangalang Imelda, tindera ng Oriental Garage sa Buenviaje Street sa nasabing lugar.

Sa ulat ng mga barangay tanod sa Manila Police District-Women and Children Protection Desk, nakasaad na dakong alas-8:30 ng gabi na inutusan ng kaniyang amo ang biktima na kunin ang mga basyo ng alak na pinag-inuman ng dalawa.

Sa pagpasok sa garahe ng biktima ay hinawakan siya sa kamay at pinipilit na mag-usap sila ng mga suspek na kaniyang tinanggihan.

Gayon pa man, itinulak ang biktima at sapilitang pinaghahalikan kasabay ng pagpasok ng kamay nito sa loob ng kaniyang shorts.

Dahil sa puwersahan ang ginagawa ng mga suspek ay pilit siyang umiiwas hanggang sa magkasira-sira ang damit niya at ma­pahiga na sa garahe.

Tiyempo namang sinundan ng amo ang biktima at nakita ang naganap na insidente kaya agad tumawag ng saklolo sa mga  barangay tanod.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BUENVIAJE STREET

CALOOCAN CITY

ELPIDIO VINARAO

HERNAN NATAGO

MANILA POLICE DISTRICT-WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DESK

MAYNILA

NBSP

ORIENTAL GARAGE

PAROLA COMPOUND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with