Tsinoy trader itinumba

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang negosyanteng Tsinoy na si Mark Anthony Graciano Tan, 34, nang pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek kamakalawa sa Brgy. Armour, Zamboanga City.

Nagtamo si Tan ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na siya nitong ikinamatay.

Sa ulat, dakong alas-5:35 ng umaga ay  kasalukuyang nasa entrance ng Armour Village, Brgy. San Roque ng lalawigang ito ang biktima nang biglang sumulpot ang mga suspek at agad na pinagbabaril ito ng kalibre 45 baril.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang motibo ng krimen.

Show comments