MANILA, Philippines - Patay noon din ang isang 52-anyos na Swiss national matapos itong tumalon mula sa ikalimang palapag ng tinutuluyang hotel room sa Brgy. Balibago, Angeles City, Pampanga noong Biyernes ng alas-10:00 ng umaga.
Basag ang bungo at nagkabali-bali ang buto ng biktimang si Daniel Rolf Balmer na unang tumama ang ulo nito malapit sa swimming pool ng tinutuluyan nitong Queens Hotel na matatagpuan sa Sta. Maria 1 Subdivision, Brgy. Balibago ng lungsod.
Nabatid na regular na kustomer sa Queens Hotel sa loob ng nakalipas na ilang taon ang biktima na madalas itong mag-checkin kasama ang transgender nitong kasintahan na si Jinalyn Larazo Mustacho na lumabas ng hotel para bumili ng pagkain.
Sa pahayag ni Mustacho sa mga otoridad maraming beses na umanong nagtatangkang mag-suicide ang biktima bagaman napipigilan niya ito.