Kelot tinadtad ng bala

MANILA, Philippines - Pitong bala ang itinanim sa katawan ng hindi pa kilalang lalake na natagpuang patay kamakalawa ng gabi sa Brgy. Upper Kalaklan, Olongapo City.

Ang biktima na nakagapos ang mga kamay ay inilarawan na nakasuot ng kulay dilaw na t-shirt,naka-short at tinatayang nasa pagitan ng edad 40-45.

Sa salaysay ng isang saksi sa pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi nang marinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril at kasunod ay ang pagsibat ng isang sasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ang krimen ay may kaugnayan sa ilegal na droga.

Show comments