MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang kawani matapos na ito ay ma-suffocate habang gumagawa sa loob ng manhole sa Kawit, Cavite,kahapon ng umaga.
Ang biktima ay kinilalang si Richard Dioneda, may-asawa, tubong Siniloan, Laguna at empleyado ng John Collan Enterprise, sub-contractor company ng PLDT.
Batay sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw habang nasa loob ng manhole ng PLDT sa Binakayan-Imus Road, Brgy. Balsahan nang bigla itong mahimatay.
Agad na ito ay iniahon ng mga kasamahan sa trabaho at dinala sa ospital,pero hindi na ito umabot pa ng buhay.
Pinaniniwalaang hindi nakahinga ang biktima habang ito ay nagtatrabaho sa loob ng manhole.