^

Police Metro

Indian national timbog sa P1-M droga

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P1 milyon halaga ng droga ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang Indian national na nagbebenta ng party at sex drugs sa ilang club at bars kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Kinilala ang suspek na si Prakash Gulraj Mahtani, 57, nakatira  sa #7946 Tika St., Kamagong, Makati City.

Batay sa ulat ni Police Supt. Lorenzo Trajano, hepe  ng District Anti Illegal Drugs-Special Operation Task Group dakong alas-7:00 ng gabi nang madakip ang suspek sa isang buy bust operation sa kahabaan ng Pasong Tamo St., Makati City.

Nakumpiska sa suspek ang 10 pirasong Valuim; Mogadon, isang uri ng anti-anxiety drugs; 30 pirasong Ketamine, isang uri ng injectable drugs na ginagamit para ganahang makipag-sex; 560  pirasong  Xanax; 750 pirasong Nitravet; 700 pirasong Nitrosum; 20 pirasong Cialis; 380 pirasong Zopalet;150 pirasong Alpraquil; 30 pirasong Bitarin; 80 pirasong Dormicum; 200 pirasong Pinix; 40 pirasong Rivotril; 13 pirasong Ecstacy at 5 stick ng marijuana na ang kabuuang halaga ay tinatayang nasa P1 milyon.

Nakumpiska din sa suspek ang P5,000.00 marked money na ginamit dito para madakip ito.

Nabatid na matagal nang isinailalim sa surveilance ang suspek dahil sa mga natatanggap ng mga otoridad na report hinggil sa pagsusuplay  nito ng mga droga sa ilang club at bars sa Makati City.

ANG

DRUGS-SPECIAL OPERATION TASK GROUP

LORENZO TRAJANO

MAKATI CITY

NAKUMPISKA

NBSP

PASONG TAMO ST.

PIRASONG

POLICE SUPT

PRAKASH GULRAJ MAHTANI

TIKA ST.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with