Nanay inatado ng adik na anak

MANILA, Philippines – Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang 42-anyos na nanay matapos itong saksakin ng sari­ling anak na sinasabing adik sa bawal na droga kamakalawa ng gabi sa Barangay 19, bayan ng Cabangan, Legazpi City, Albay.

Nagtamo ng 7-saksak sa katawan at ginagamot ngayon sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ang biktimang si Gloria Del Mundo ng Purok 5 sa Barangay Dapdap habang nasakote naman ang suspek na si Mark Kevin Del Mundo, 22, ng nabanggit na barangay.

Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Simeon Ola, nagalit ang suspek matapos nitong hindi madatnan sa kanilang bahay ang sariling nanay.

Galit na sinundan ng suspek ang kanyang nanay sa bahay ng tiyuhin.

Gayon pa man, nari­nig ng suspek ang kanyang nanay na humihingi ng tulong sa kanyang tiyuhin kaugnay sa pagkalango sa bawal na droga ng una.

Dito na pinagsasaksak ng suspek ang kanyang nanay abgo tumakas.

Sa follow-up operation ay naaresto naman ang suspek na hawak pa ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Show comments