MANILA, Philippines - Kapwa namatay noon din ang isang barangay chairman at security escorts nito matapos na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga kalalakihan kamakalawa sa highway ng Pikit, North Cotabato.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Dats Simon, Chairman sa Brgy. Bulol at Akmad Bantas na escort nito.
Batay sa ulat, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawang biktima pauwi na sa kanilang bahay nang pagbabarilin ng mga suspek pagsapit sa bisinidad ng highway ng Brgy. Gli-Gli ng nasabing bayan.
Bago ang insidente ay nakatanggap umano ng pagbabanta sa kaniyang buhay si Simon sa nagpakilalang texter.
Kabilang naman sa sinisilip na anggulo ng mga otoridad ay ang aktibong pakikiisa ng biktima sa anti-drug campaign.