MANILA, Philippines - Target ng bagong talagang hepe ng Eastern Police District (EPD) na maaresto ang mga wanted na pulis sa EDSA hulidap.
Ito ang inihayag ng bagong hepe ng EPD na si Senior Superintendent Wilson Caubat matapos na magretiro si dating EPD director Chief Superintendent Abelardo Villacorta.
Nangako si Caubat na lalo silang magpupursige upang madakip ang mga wanted na pulis na sina Senior Inspectors Marco Polo Estrera, at Oliver Villanueva, SPO1 Ramil Hachero, PO2 Eronn Decatora, PO2 Weavin Masa, PO2 Jerome Datingguinoo, at PO2 Mark de Paz.
Magugunita na nagpalabas si Judge Carlos Valenzuela, ng Mandaluyong City regional trial court (RTC) Branch 213 arrest warrant laban sa nasabing anim na pulis na nahaharap sa kasong carnapping, kidnapping, at robbery in band na isinampa ng mga biktima na sina Samanodin Abdulgafar at Camal Mama.
Unang naaresto sina Chief Inspector Joseph de Vera, Senior Inspector Allan Emiliano at PO2 Jonathan Rodriguez.