Parusa kay Palparan bago matapos ang termino ni P-Noy

MANILA, Philippines - Hinamon ng grupong Karapatan kay Pangulong Noynoy Aquino na gawan nito ng paraan na maparusahan si retired Maj. Gen. Jovito Palparan hinggil sa pagkawala ng dalawang UP students bago ito bumaba sa kanyang puwesto sa susunod na taon.

Sinabi ni Cristina Palagay, secretary general ng Karapatan, nakakita na naman ng probable cause ang Ombudsman  sa kaso ni Palparan hinggil sa pagkidnap at pagpiit sa UP students na sina  Karen Empeño at Sherlyn Cadapan kayat upang mabigyan ng hustisya ang dalawa ay dapat na malapatan ng parusa si Palparan sa kaso bago lisanin ni P-Noy ang puwesto.

Si Palparan ay nasa custody ngayon ng Philippine Army matapos mahuli noong nakaraang taon.

Bukod dito hiniling din ng Karapatan sa Department of Justice na ipursige ang kaso ni Palparan sa Office of the Ombudsman sa  kidnapping and serious illegal detention charges na isinampa nina Raymond at Reynaldo Manalo.

Show comments