MANILA, Philippines – Malaki ang paniniwala ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na walang pag-asa na manalo si Local Government Secretary Mar Roxas II sa 2016 national elections base sa survey na isinagawa ng kanilang television network na Net 25 noong Agosto 12.
Tinanong ang mga respondents ng: “Sa tingin mo ba may tsansang manalo sa pagpa-pangulo si Secretary Mar Roxas sa 2016 elections?”
Lumabas sa survey na 93.1 percent ng mga respondents ay nagsabi na “wala” o walang tiyansa na habang ang 6.9 percent na respondents ay sumagot ng “oo”.
Karamihan sa mga pulitika na tumatakbo sa national election ay nagnanais ng endorsement ng INC na may mahigit na 2 milyon na miyembro.
Si Roxas ay inendorso ni Pangulong Aquino bilang manok sa 2016 national elections, subalit lumalabas na hindi siya ang paboritong kandidato ng INC sa 2016 base sa national surveys.
Base sa surveys dinominahan ito nina Vice President Jejomar Binay at Senator Grace Poe at bukod kay Roxas ay wala pang ibang kandidato ang sinurvey ng Net 25.