Lola dinedo ng kanyang lover

MANILA, Philippines - Basag ang bungo at namatay noon  din ang isang 65-anyos na lola matapos na hatawin ng dos por dos ng kanyang lover na lolo sa loob ng Manila North Cemetery, sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi sa  pangalang Inday habang ang suspek na sumuko ay nakilalang si Romeo Torre, 64, tricycle driver at caretaker ng mga nitso sa Main St., sa Manila North Cemetery.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-5:00 ng hapon ay nagalit umano ang suspek sa madalas na pag-iinom ng  biktima na hinihinalang may iba itong pinupuntahan dahil minsan lang itong umuwi.

Sinita ng suspek ang biktima hanggang sa magkaroon nang pagtatalo at dito ay nakakuha ang una ng kahoy na dos por dos at hinataw ng maraming ulit ang huli na ikinamatay nito.

Show comments