Bebot ginilitan, itinapon

MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa nakilalang babae ang natagpuan sa buhanginan matapos na gilitan ito sa leeg ng hindi pa nakilalang salarin  sa Patalon,  Zamboanga City.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga nang matagpuan ng isang concerned citizen habang ito ay  naglalakad sa lugar ang bangkay ng nasabing babae na may malalim na laslas sa leeg bukod pa sa mga pasa nito sa katawan.

 

Show comments