^

Police Metro

71-anyos trader dinedo sa simbahan

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Napatay ang 71-anyos na biyudang trader matapos itong  tambangan ng di-kilalang lalaki sa harapan ng  Malate  church sa Malate, Maynila noong Sabado ng gabi.

Dalawang tama ng bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Nora Eubanas ng #1827  Taft Avenue, Malate, Maynila.

Sugatan naman ang 22-anyos na apo ng biktima na si Mikhael Eubanas matapos tamaan ng basag na salamin  ng minamanehong SUV na may plakang XDN-719.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 6:45 ng gabi nang maganap ang pamamaril  sa harapan ng simbahan sa M.H. Del Pilar sa nasabing lugar.

Nakaligtas naman ang kapatid ni Nora na si Adella Euchanico.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na kalalabas lamang ng simbahan ng biktimang si Nora kung saan pagsakay sa SUV ay lumapit ang gunman saka pinutukan ang matanda bago naglakad lamang papalayo ang killer na animo’y walang naganap na pamamaril.

Pinaniniwalaang pakay lamang patayin si Nora dahil si Adella at ang apo ay hindi naman binaril.

“Ayaw magbigay ng impormasyon ng pa­milya. ‘Yung anak na doktor nagsabi na saka na lang magsasalita pag nailibing na yung nanay nila,” paliwanag pa ng imbestigador

Naniniwala si SPO2 Bautista na  maaaring may alam ang pamilya ng biktima sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

ADELLA EUCHANICO

ANG

DEL PILAR

JONATHAN BAUTISTA

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

MIKHAEL EUBANAS

NBSP

NORA

NORA EUBANAS

TAFT AVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with