Marquez sumaludo sa Fallen 44

MANILA, Philippines – Matapos na ulanin ng mga batikos si PNP Chief Ricardo Marquez dahilan sa umano’y pagkakatanggal ng ilang opisyal at tauhan na kabilang sa Fallen SAF 44 sa lista­han ng mga awardees sa selebrasyon ng ika-114 anibersaryo kamakalawa ng Police Service sa Camp Crame ay bumawi ito.

Sumaludo at pina­ngunahan ang selebras­yon ng “Memorial Day” o paggunita sa kamatayan ng  mga bayaning 44 Special Action Force (SAF) commandos na ginanap sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City kahapon.

Nang hingan ng paliwanag ang mga opisyal ng PNP ay ikinatwiran ng mga ito na hindi ito umabot sa isinagawang ebalwasyon  bagay naman na pinagdudahan ng ilang mga PNP officers, members, pamilya at mga kaanak ng mga bayaning commandos.

Kahapon kasama ni Marquez sa pagsaludo sa Fallen 44 commandos si SAF Chief P/Director Moro Virgilio Lazo sa pagbibigay ng parangal at paggunita sa mga baya­ning 44 SAF.

Kabilang naman sa naging highlights ng okasyon ay ang isinagawang ‘wreath laying ce­remony’ o pag-aalay ng bulaklak at kandila para sa mga SAF 44 troopers na nasawi sa Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25 ng taong ito.

Show comments