MANILA, Philippines - Nasa 26 sentimo ang ibababa ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco) ngayong buwan ng Agosto o katumbas ng P52.56 na bawas sa electricity bill ng mga tahanang kumukonsumong 200 kilowatt
hour (kWh) kada buwan.
Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, ito na ang ikaapat na sunod na buwan na muling
bababa ang singil nila sa kuryente na kung pagsama-samahin ay may kabuuan ng P1.56.
Ang pagbaba ng over-all rate ng singil sa kuryente ay kasunod na rin nang pagbaba ng generation charge ng P0.19 sentimo ng mga Independent Power Producuers (IPP).
Bumaba rin ang ang transmission charge at taxes ng tig-P0.04, at iba pang bayarin na umabot naman ng P0.01.