^

Police Metro

5 patay sa flashflood, 3 nawawala

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Iniulat ang pagkasawi ng limang katao habang 3 ang nawawala nang manalasa ang flashfloods sa tatlong barangay sa Valencia City, Bukidnon kamakalawa ng hapon.

Ang  mga biktima ay kinilalang sina Baby Rose Batistil, 9, ng Brgy. Guinuyoran; Lea Luzano, 7; Jelove Badoy, 6; pawang ng Brgy. Tugaya; Gina Eroisa ng Brgy. Poblacion at ang sanggol na si Baby Eroisa, 6 buwan ng Brgy. Poblacion.

Habang ang mga nawawala ay nakilala namang sina Bobsky Batisil, 7, ng Brgy. Guinu­yoran; Eddie Eroisa  at Epifanio Canyamu, 23; ng Brgy. Poblacion.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang rumagasa ang malakas na agos ng tubig baha sa Brgy, Guinoyuran, Tugaya at Poblacion pawang sa lungsod na ito.

Umaabot sa 103 pa­milya o kabuuang 483 katao naman ang naapektuhan ng pagragasa ng baha  na ang sanhi ay ang pag-apaw ng ilog dulot ng malalakas na pag-ulan sa lugar nitong nakalipas na mga araw.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BABY EROISA

BABY ROSE BATISTIL

BOBSKY BATISIL

BRGY

EDDIE EROISA

EPIFANIO CANYAMU

GINA EROISA

JELOVE BADOY

LEA LUZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with