Grace nag-iisip pa sa alok ni Mar

Ipinakita sa media ni Rizalito David, dating kumandidatong senator ang kopya ng quo warranto petition sa Senate Electoral Tribunal laban kay Senator Grace Poe tungkol sa isyu ng citizenship na nabigo niyang mai-submit dahil sa walang pambayad na P50,000 filing fee. Michael Varcas

MANILA, Philippines – Inihayag kahapon ni Senator Grace Poe na siya ay nagpapasalamat kay outgoing DILG Secretary Mar Roxas sa alok nito na  kanyang maging running mate na sinabi sa national television kahapon.

Subalit, kailangan pa niyang mag-isip ng  mabuti sa alok ni Roxas dahil ayaw niyang malagay sa alanganin at  sa Oktubre pa niya balak magdesisyon kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon.

Ipinauubaya rin ni Poe sa mga nag-aalok sa kanya kung nakahanda ang mga itong maghintay sa kanyang desisyon.

Samantala, inaasahan na ni Poe na mas marami pang paninira ang dara­ting sa kanya na sinimulan na kahapon matapos may magtangkang maghain sa kanya ng petisyon sa Senate Electoral Tribunal (SET).

Si Poe pa ang humingi ng paumanhin sa mga mamamayan dahil sa mga napipintong paninira sa kanya.

Inihalimbawa nito ang nangyari sa kanyang amang si Fernando Poe Jr. na nakuwestiyon din ang citizenship at maging ang mismong birth certificate sa national achives ay tinangkang ipeke.

Nilinaw rin ni Poe na wala siyang ginawa para ma-acquire ang kanyang citizenhip dahil isa siyang “natural born” na Filipino.

Ayaw naman banggitin o magbigay si Poe ng  mga ispekulasyon kung sino ang posibleng nasa likod ng paninira sa kanya.

Show comments