16 sugatan sa tumagilid na van

MANILA, Philippines - Umaabot sa 16-katao ang sugatan matapos mawalang ng kontrol sa manibela ang driver ng closed van kung saan tumagilid sa kahabaan ng Edsa North bound lane sa Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa Quezon City PNP District Traffic Sector 2, ang mga biktima kabilang ang dalawang menor-de-edad ay isinugod sa Quezon City General Hospital dahil sa tinamong mga galos sa kani-kanilang katawan.

Nabatid na tinatahak ng closed van na may plakang ZSW-122 ni Jaymond Deraper kung saan patungong Muñoz mula sa Cavite para dumalo sa aktibidad ng kanilang relihiyon nang biglang tumagilid ito at sumadsad pagsapit sa nasabing lugar.

Samantala, dalawang rider ng motosiklo ang nadamay na nasugatan matapos na sumemplang dahil sa dulas ng kalsada dulot ng langis na tumagas mula sa nasabing van.

Nagdulot din ng pagsisikip ng daloy ng trapiko matapos isara ang linya ng kalye para linisin ang tumagas na langis.

Show comments