^

Police Metro

Shellfish sa limang lugar sa Visayas Mindanao, may red tide

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Mag-ingat sa pagkain ng mga shellfish sa limang lugar na bahagi ng  Visayas at Mindanao matapos na matukoy na ito ay positibo sa red tide toxin.

Ito ang babala sa publiko ng Department of Health (DOH) matapos na natanggap ang bulletin ng DOH mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagbabawal muna sa pagkuha ng pagkain at pagbebenta ng mga shellfish tulad ng tahong, halaan.talaba at iba pang uri nito sa limang coastal areas na kinabibilangan ng Balite Bay sa Mati, Davao Oriental; Dauis sa Bohol, Irong-irong Bay at Cambatutay Bay sa Western Samar, at coastal waters ng Milagros sa  Masbate.

Bukod dito, bawal din muna ang pangunguha ng alamang o shrimp fry dahil hindi ligtas ang mga ito para sa human consumption.

Nilinaw naman ng BFAR na maaaring kumain ng isda, pusit, hipon at alimango na galing sa naturang limang coastal areas, ngunit kailangang tiyaking ang mga ito ay sariwa, nahugasang mabuti, tinanggalan ng bituka at hasang at nilutong mabuti.

Inianunsyo rin naman ng ahensya na inalis na nila ang red tide alert sa coastal waters ng Mandaon sa Masbate matapos na matiyak na ligtas na ito sa red tide.

ANG

BALITE BAY

BOHOL

BUKOD

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES

CAMBATUTAY BAY

DAUIS

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF HEALTH

MASBATE

WESTERN SAMAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with