^

Police Metro

Nagsaway sa maingay, pinatay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kamatayan ang na­ging resulta sa gina­wang pagsaway ng isang 27-anyos na lalaki sa mga maiingay na lalaking nag-iinuman sa tapat ng inuupahan nitong apartment matapos na siya ay saksakin sa dibdib ng isa dito kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang nasawi ay kinila­lang si Leomar Addun, 27, ng #2102 Antipolo St., ng naturang lungsod.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si McJule O. Laddaran, nasa hustong gulang, tubong Pandi, Bulacan at construction worker sa DDT Construction, Inc.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen sa tapat ng bahay ng biktima sa naturang lugar ay mai­ngay na nag-iinuman ang suspek at grupo nito.

Kaya’t sinaway ito ng biktima dahil nakakais­torbo sila sa mga natutulog.

Hindi nagustuhan ng suspek ang pagsaway ng biktima kung kaya’t nagkaroon nang mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa dibdib.

Mabilis na tumakas ang suspek at ang biktima ay dinala ng kapitbahay sa ospital, subalit hindi na ito nakarating ng buhay.

ACIRC

ANG

ANTIPOLO ST.

BATAY

BULACAN

KAMATAYAN

KAYA

LADDARAN

LEOMAR ADDUN

MABILIS

PASAY CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with