Massage parlor binomba:1 patay, 10 nasugatan

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang katao habang 10 ang nasugatan nang sumabog ang bomba na itinanim sa isang massage parlor sa Zamboanga City kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa Zamboanga City Medical Center ang biktimang si Geraldine Miguel alyas Irish.

Kasalukuyan nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga nasugatan na  sina Teresita delos Santos, Stephanie Marpel, kapwa therapist;Marina Anamog, Cheska Mendoza, Elizabeth Alarcon; Karen Alvarez; at Nora Amancion pawang nagtratrabaho sa nasabing establisyimento.

Nakilala naman ang mga nasugatang kustomer na sina Nestor Alban, 39; Alfredo Erojo, 55 at Nilon Biton.

Batay sa ulat, bandang alas-9:47 ng gabi nang yanigin ng pagsabog ang Manly Massage and KTV parlor  na matatagpuan sa kahabaan ng Mayor Ledesma Street, Brgy. Zone II ng lungsod na ito.

Ayon sa opisyal,walo sa mga biktima ay pawang mga babae na nagtratrabaho sa establisyimento habang ang tatlo pa ay mga lalaki na kustomer naman dito.

Show comments