^

Police Metro

Palparan et al, guilty sa kidnapping

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos makakita ng probable cause si Ombudsman Conchita Carpio-Morales ay napatunayang nagkasala ng 2 counts ng  kidnapping at serious illegal detention si dating Maj. Gen. Jovito Palparan Jr. at walong iba pa sa umanoy pagdukot sa magkapatid na Raymond at Reynaldo Manalo noong February 14, 2006 sa San Ildefonso, Bulacan.

Bukod kay Palparan, guilty rin sina T/Msgt. Rizal Hilario, CAFGU Active Auxiliaries (CAAs) Michael Dela Cruz, Marcelo Dela Cruz, Jose Dela Cruz, Maximo Dela Cruz, Randy Mendoza, Roman Dela Cruz at Rudy Mendoza at liable din umano ang mga ito  sa kasong  grave misconduct kasama sina M/Sgt. Do­nald Caigas.

Dahil dito, ang mga nabanggit ay  pinasisibak ni Morales sa serbisyo at inalisan ng retirement benefits bukod sa hindi na maaaring makapagtrabaho pa sa alinmang ahensiya ng gobyerno.

 Sa  affidavit-complaint na naisampa sa Ombudsman ni  Raymond Manalo ay pinatunayan ng kapatid nitong si Reynaldo Manalo na silang magkapatid ay dinukot ng mga akusado ng nasabing araw matapos  paghinalaang miyembro sila ng New People’s Army (NPA) saka ikinulong at tinorture hanggang sa sila ay makatakas mula sa mga akusado noong August 13, 2007.

Nakasaad sa 28-pahinang Joint Resolution, positibong itinuro ng magkapatid na Manalo ang mga akusado na dumukot sa kanila at nagkulong nanakit sa kanila ng mahigit isang taon.

Kaugnay nito, inatasan ni Morales ang Office of the Deputy Ombudsman for Military and Other Law Enforcement Offices (OMB-MOLEO) na magsagawa ng fact-finding investigation sa iba pang sundalo at iba pang biktima na may kinalaman sa insidente.

ACTIVE AUXILIARIES

JOINT RESOLUTION

JOSE DELA CRUZ

JOVITO PALPARAN JR.

MARCELO DELA CRUZ

MAXIMO DELA CRUZ

MICHAEL DELA CRUZ

MILITARY AND OTHER LAW ENFORCEMENT OFFICES

NBSP

NEW PEOPLE

REYNALDO MANALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with