MANILA, Philippines - Pumalag ang mga eye clinics kabilang ang Quezon City Eye Center (QCEC) dahil sa sobra-sobra ang pinalalabas ng Philhealth na kanilang sinisingil sa mga ginawang cataract surgery procedures para lang iligaw ang publiko.
Ito ang naging pahayag sa media ni Dr. Raymond Evangelista matapos ang pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee at ang mga dokumento anya ang magpapatunay na mali ang akusasyon ng Philheath.
Handa itong ipasa ang lahat ng kanilang financial documents kabilang ang mga records sa pagbabayad nila ng buwis sa Bureau of Internal Revenue na nagpapakita ng actual amount na tinanggap nilang bayad mula sa Philhealth.
May malaki din anyang pagkakaiba ng halos P 46 milyon na sinasabi ng Philhealth na kanilang natatanggap na tila mali sa ipinalabas na figures na hindi nila alam kung nagkamali lang o sinadya umano ng nasa loob ng Philhealth.
Aniya, maging ang figures na sinasabi ng Philhealth sa Senate hearing para sa Pacific Eye Center ay sobra ng P 62 milyon.
Nababahala siya sa libu-libong cataract patients na karamihan ay senior citizen na automatic covered ng Philhealth na mahihirapan makahanap ng eye clinic para sa kanilang libreng cataract surgery dahil walang ibang magagawa ang mga eye clinics tulad ng QCEC kundi ihinto ang pagtanggap sa mga Philhealth members matapos ipitin ng Philhealth ang pagbabayad sa kanila.