2 matanda patay sa sunog
MANILA, Philippines – Dalawang matanda ang nasawi sa naganap na sunog sa Batangas.
Sa ulat ng Batangas Police, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Librada Lucero, 82 at Aurea Balila, 86, pawang residente ng Brgy. Cahigam, Rosario, Batangas.
Batay sa ulat, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang sunog sa naturang lugar habang mahimbing na natutulog ang dalawang biktima.
Nabatid sa imbestigasyon na nagmula ang apoy sa kusina ng dalawang matanda na gawa sa kahoy na mabilis na kumalat at tumupok sa kanilang bahay na naapula matapos ang isang oras.
- Latest