Biktima ng akyat bahay tumataas kapag mahal na araw

MANILA, Philippines - Tumataas umano ang nagiging biktima ng Akyat Bahay Gang tuwing panahon ng Semana Santa.

Kaya’t nagbabala kahapon si Philippine National Police (PNP)  Spokesman Chief Supt. Generoso Cerbo Jr., dahil sa karaniwan ng lumolobo ang mga residenteng biktima ng mapagsamantalang magnanakaw kapag sumasapit ang kuwaresma dahilan marami sa mga bahay ang walang naiiwang tao sa kanilang mga tahanan.

Bagaman bumababa ang mga insidente ng petty crimes tulad ng panghoholdap, bag slashing, cellphone snatching  at iba pa tuwing kuwaresma ay kapansinpansin naman na tumataas ang mga insidente ng panloloob sa mga kabahayan.

Kaya’t pinayuhan ni Cerbo ang publiko na mag-ingat sa pagpoposte ng travel itinerary at mga larawan sa mga social media sa mga lugar na pinupuntahan dahilan sasamantalahin ito ng mga kriminal para manloob sa mga tahanang walang tao.

 

Show comments