Karpintero pinatay sa tapat ng bahay

MANILA, Philippines - Sa mismong tapat ng kanyang bahay binaril at napatay ang isang karpintero naganap kahapon ng tanghali sa Marikina City.

Namatay noon din ang biktimang si Reynaldo Mejella, 43, may-asawa, naninirahan sa #23C-5 Olandes St., Barangay IV-C, Marikina City bunsod nang tama ng bala sa ulo nito.

Batay sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali ay abala ang biktima sa paggawa ng cabinet sa harapan ng kanilang bahay.

Nang ito ay lapitan ng hindi pa  kilalang suspek at malapitang binaril sa ulo.

Palaisipan sa pamilya ng biktima kung bakit pinatay ito gayung wala naman  silang alam na may kaaway ito.

Show comments