MANILA, Philippines - Matapos makitaan ng probable cause ay pinakakasuhan ng tax evasion ng Department of Justice sa Court of Tax Appeals (CTA) sina Janet Lim Napoles at mister na si Jaime.
Batay sa 18-pahinang resolusyon ay napatunayan nina Assistant State Prosecutors Stewart Allan Mariano at Mark Roland Estepa na may sapat na ebidensya para kasuhan ang mag-asawa para sa pinagsamang P61.18 milyong tax liability.
Sa reklamong inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR), saklaw ng halaga ang taxable years na 2004, 2006, 2008, 2009, 2010, 2011 at 2012.
Bukod sa maling impormasyong ibinigay ng mag-asawang Napoles, nabigo rin itong maghain ng income tax returns (ITRs).
Maging ang anak na si Jeane Napoles ay kinasuhan ng P17.8 milyon tax evasion case.