^

Police Metro

Pagkatapos ng iyong termino... GMA kay P-Noy: ‘Wag matulad sa akin’!

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huwag mangyari kay Pangulong Noynoy Aquino o sinuman sa opis­yal ng kanyang adminis­trasyon ang pinagdaraanan sa kasalukuyan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep.Gng. Macapagal-Arroyo.

Ito umano ang dasal ni Ginang Arroyo kay Pangulong Aquino at sa kanyang mga opisyales pagkatapos ng kanilang termino sa 2016.

Ayon kay Buhay Partylist Rep. Lito Atienza, naibubulas ito ni CGMA nang minsang bisitahin nila ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) noong nakaraang linggo.

Sa kuwento ni Atienza, na kilalang malapit na kaalyado ni Gng. Arroyo nagbiro ang isa nilang kasamahan na dapat magbalot-balot na si Arroyo dahil malapit na itong makalabas at papalit naman sa kanya ang mga humarang para siya ay makapagpiyansa.

“Magbalot-balot na kayo dahil maraming papalit dito sa inyo”, ayon umano sa isang kongresista na hindi pinangalanan na sinabayan naman ng tawanan ng lahat ma­liban kay GMA at nagsabing nagsabing ayaw nitong mayroong  pumalit sa kanya doon kahit na sino.

“I don’t even want you or anybody else to go through this same experience I have undergone. I hope and pray that none of them will replace me here,”ayon umano sa da­ting pangulo.

Sinabi pa umano ni Gng. Arroyo na ayaw nitong maranasan kahit na ng kanyang mga kaaaway sa politika ang “same sad, tragic and painful” experience na kanyang naranasan sa loob ng apat na taon sa loob ng VMMC.

Nilinaw ni Atienza, na kahit ganito ang nangyari kay Gng. Arroyo ay wala itong sama ng loob  sa kasalukuyang administrasyon.

Samantala, muling iginiit ng Independent minority bloc sa Kamara na isailalim na lang sa House arrest si GMA o palayain na lamang ito.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATIENZA

BUHAY PARTYLIST

GINANG ARROYO

GNG

LITO ATIENZA

PAMPANGA REP

PANGULONG AQUINO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with