2 lalaki nagpakamatay

MANILA, Philippines – Hindi nakayanan ng isang 38-anyos na lalaki ang depresyon sa buhay bunga ng walang trabaho kung kaya nagawa nitong magbigti kahapon ng umaga sa loob ng kanyang bahay sa Sta.Cruz, Maynila.

Nabatid na dakong alas-5:00 ng umaga nang madiskubreng nakaluhod at may nakapulupot na alambre sa leeg ng biktimang si Don Javier, ng no. 1606 Quiricada St., Sta. Cruz, Maynila ng live-in partner nitong si Emmy Maborang.

Bago ang pagkakadiskubre ay inumaga sa pakikipag-inuman sa mga kapitbahay at nang umuwi ay  pumanhik sa ikatlong palapag ng kanilang bahay at doon ito nadiskubreng nakabigti.

Nagbaril naman sa sarili ang 71-anyos na si Angelito Domingo, ng Cluster 863, Westside Homes, Brgy. Kristong Hari, Quezon City dahil sa hindi makayanan na sakit na lung cancer.

Dakong alas-6:00 ng umaga nang madiskubre ang duguang bangkay ni Domingo sa master bedroom nito.

 

Show comments