^

Police Metro

Bagyo aabot na sa Signal No.5

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Magkakaroon na ng Signal No.5 ang bagyo kapag ito ay isang super typhoon na may lakas ng hangin na lalampas sa 220 kilometro bawat oras.

Ito ang desisyon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na dagdagan ng hanggang Signal number 5 sa  kasalukuyang Signal number 1 hanggang Signal number 4 lamang na ginagamit ng ahensiya sa pagbibigay babala sa publiko kapag may bagyo sa bansa.

Inihalimbawa rito ang bagyong Yolanda na isang super typhoon na may lakas ng hangin na umaabot sa 235 hanggang 275  kilometro bawat oras.

Sinabi ni Esperanza Cayanana, hepe ng weather forecas­ting division ng PAGASA na patuloy naman nilang gagamitin ang public storm warning signal hanggang number 4 na na-adopt noong 1997 at na-revised noong taong  2010.

Sa Signal Number 1, ang bagyo ay may lakas ng hanging umaabot sa 30 hanggang 60 kilometro bawat oras; Signal Number 2  ay ang bagyo na may lakas ng hangin na umaabot sa 61 hanggang 100 kilometro bawat oras; Signal No. 3  na may hangin na umaabot sa 101 hanggang 185 kilometro bawat oras  at signal Number 4  ay may hangin na mahigit 185 kilometro bawat oras.

Magpapatupad din ang PAGASA ng isang color-coded storm surge warning system katulad ng  color-coded rainfall warning advisories ng ahensiya na isang halimbawa rito ay ang color red na nagsasabing may banta ang matinding pag-ulan kayat kailangang lumikas ang mga tao, orange rainfall na dapat maghanda ang mga tao para lumikas  at yellow na nagsasabing posibleng maganap  ang storm surge.

ESPERANZA CAYANANA

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HANGGANG

NUMBER

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

SA SIGNAL NUMBER

SIGNAL

SIGNAL NO

SIGNAL NUMBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with