MANILA, Philippines – Nanawagan ang grupong Ecowaste Coalition sa publiko na umiwas sa pagbili ng mga produktong pampapaganda at pampapayat sa mga online shopping website dahil sa nakakasama umano ito sa kalusugan.
Hiniling ni Thony Dizon, coordinator ng Ecowaste Coalition’s Project Protect sa mga management ng mga online retail sites na agad na tanggalin ang mga advertisements ng mga mapanganib na produkto sa gitna ng direktiba ng pamahalaan hinggil sa pagpapataw ng parusa sa mga lumalabag nito.
Base sa dalawang pangunahing online shopping sites na siniyasat ng grupo, lumitaw na ang nai-ban na produktong pampaputi o skin whitening ay kontaminado ng mercury at ang produkto namang pampapayat na nagtataglay ng amphetamine, sibutramine at steroids ay naibebenta pa rin sakabila ng pagbabawal dito ng Food and Drugs Administration (FDA).??
Ang mga nai-ban na cosmetics na nagtataglay ng mercury na ibinebenta sa online ay Angel Placenta Whitening Cream at JJJ Magic Spots Removing Day at Night Cream, Erna Whitening Cream, S’Zitang at ilang variants ng banned na BG, Jiaoli at St. Dalfour skin whitening products.?
Ilan sa mga naispatang produkto na ibinibenta sa dalawang online services ay ang Brazilian Slimming Coffee, Leisure Burn Body Fat Orange Juice, Leisure 18 Slimming Coffee, Sehat Badan Powder, Authentic Leisure 18 Slimming Orange Juice, Body Beauty 5 Days Slimming Coffee, Brazilian 7 Days Slimming Coffee, Coffee Fashion Slimming, Leisure 18 Slimming Mango Juice, Leisure 18 Slimming Orange Juice at Super Slim Orange Juice.
Ang mercury ng skin lightening products ay maaring makasira ng balat, utak at ng central nervous system at ng kidneys, habang ang amphetamine, sibutramine at steroids sa mga slimming products ay magdudulot ng matinding reaksyon sa kalusugan, kabilang ang pagtaas ng panganib sa cardiovascular system. Ang Phenolphthalein ay ibinawal dahil sa posibleng cancer na epekto nito.