Mga nanalo sa 2015 Manila Bay Seasport Festival

MANILA, Philippines – Nakamit ng mga batikang bangkero mula sa Agoo, La Union at Cadiz City ang kampeonato sa Stock at Formula Races ng  bancathon sa Manila Bay Sea­sports Festival. Si Ruben Quero, lulan ng bangkang Angielyn, ang nagwagi sa Stock Race, habang si Jerin Pasignalin naman na piloto ng Lourd Cedric, ang nanalo sa Formula Race.

Sa dragon boat championships, nakuha naman sa ikaapat na pagkakataon ng Philippine Army ang kampeonato sa men’s open, habang sinungkit ng Philippine Navy ang karera ng women’s small boat at mixed open na isinagawa noong Marso 14 at 15.

Show comments