MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang jailguard nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Brgy. Tagbuyacan, Santiago, Agusan del Norte.
Ang nasawi ay kinilalang si JO3 Ricardo Limen, 55-miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Cabadbaran City District Jail.
Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga ay lulan ang biktima ng motorsiklo at binabaybay ang direksyon ng Surigao del Norte nang sundan ng dalawang salarin na magkaangkas sa motorsiklo at nakasuot ng helmet.
Pagsapit sa lugar ay agad itong pinaulanan ng bala ng mga suspek na sumapul sa katawan ng biktima.
Inaalam pa ang motibo nang pagpatay sa biktima.