2 ex-pulis itinumba

MANILA, Philippines – Dalawang dating pulis ang pinatay sa magkahiwalay na lugar sa Maynila at Cebu City.

Sa Tondo, Maynila natagpuang patay ang dating pulis-EPD na si PO1 Dennis Biescas, 40; no. 305 Muelle De La Industria, Binondo matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo.

Sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon  nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa harapan ng gate ng Bliss Building C malapit sa panulukan ng Moriones St., Tondo.
Narekober ng pulisya ang isang .38 caliber revolver Armscor; isang replica ng .45 caliber pistol; at 29 piraso ng plastic sachet na walang laman.

Itinumba naman ang AWOL na pulis na si SPO1 Roy Tolentino, 41, residente ng C. V. Rama  Avenue, Brgy. Calamba, Cebu City nang pagbabarilin ng riding-in- tandem dakong alas-7:30 ng umaga.

Lulan ng motorsiklo ang biktima nang biglang sumulpot ang riding in tandem at pinagbabaril ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Show comments