MANILA, Philippines - Nasakote ang isang 34-anyos na lalaki na umano’y most wanted dahil sa pagiging miyembro nito ng gun-for-hire group, kamakalawa sa Pasay City.
Kinilala ni Police Sr. Supt. Sidney S. Hernina, Officer-In-Charge ng Pasay City Police ang akusadong si Reynante Lucas “alias Kamandag”, binata, walang trabaho, taga #286 Primero De Mayo St., ng naturang lungsod.
Si Lucas ay nadakip dakong alas-12:20 ng tanghali sa naturang lugar sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Violeta Perena, ng Pasay City Metropolitan Trial Court, Branch 44. May mga kasong murder, robbery, illegal possession of explosive at illegal possession of deadly weapon ang suspek.
Bukod umano sa isang hired killer si Lucas, gumagamit din ito ng droga.