MANILA, Philippines - Hindi na umano kakantahin ni Pangulong Benigno Aquino III ang paboritong OPM song na Estudyante Blues na pinasikat ng singer na si Freddie Aguilar.
Sinabi ng isang source sa Malacañang na hinding-hindi na daw muli kakantahin ni Pangulong Aquino ang Estudyante Blues dahil na rin sa lyrics nito.
Ayon sa lyrics ng kantang Estudyante Blues ay “Ako ang nakikita Ako ang nasisisi Ako ang laging may kasalanan” kaya’t biglang hindi na daw ito paborito ni P-Noy matapos ang Mamasapano incident kung saan ay halos siya ang gustong sisihin ng kanyang kritiko sa nangyari sa pagkasawi ng SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Nabatid na ang kantang Estudyante Blues ang palaging kinakanta ni Pangulong Aquino sa tuwing hihilingan ito ng kanta.